Umabot na sa lima katao ang patay sa pananalasa ng hurricane Dorian sa Abaco Islands sa Bahamas.
Kinumpirma ni Bahamas Prime Minister Hubert Minnis ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng nasabing bagyo na ngayon ay nasa category 4 na.
Ayon pa kay Minnis, marami pang residente ang nangangailangan ng tulong ngunit kailangan munang gumanda ang panahon bago sila makaresponde.
Sa kasalukuyan, taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 145 miles per hour (mph) at ito ay mabagal na gumagalaw sa bilis na 1 mph.
Pinag-iingat naman ngayon ang mga residente sa Georgia at South Carolina na siyang tutumbukin ng bagyo sa mga susunod na araw.
Facebook Comments