5 pinaghihinalaang drug suspect, patay matapos manlaban sa mga pulis

Cotabato – Patay ang limang pinaghihinalaang drug suspect sa isinagawang anti-drug operation sa Sitio Sugod, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato matapos silang manlaban sa mga pulis.

Kinilala ang mga suspek na sina Kurin Acoy alyas Butterfly, isang alyas Gardo, alyas Roland, alyas Ali at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP-Central Mindanao na si Supt. Romeo Galgo, maghahain sana ng search warrant ang mga pulis laban kay Acoy nang biglang magpaputok ang mga ito dahilan para gumanti ang mga pulis.


Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .45 na baril, dalawang kalibre 38, at dalawang hand grenade.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments