Kentavious Caldwell-Pope ng Deroit Piston, inaasahan na sa koponan ng Los Angeles Lakers

NBA – Inaasahan na ng mga fans ang balitang lilipat na sa Los Angeles Lakers ang free agent guard na si Kentavious Caldwell-Pope ng Deroit Piston.

Hindi pa man kinukumpirma ng pamunuan ng Lakers ang ulat, sinasabing pumirma na si Caldwell-Pope ng isang taong kontrata sa koponan na nagkakahalaga ng $18 million.

Kaugnay nito, kung totoo man ang umuugong na balita nang paglipat ni Caldwell-Pope, may posibilidad na makakasama niya ang mga magagaling na manlalaro na sina Jordan Clarkson at Luol Deng na naka-kontrata rin sa Lakers hanggang sa pagtatapos ng season.


Matatandaang umabot rin sa apat na NBA season ang paglalaro ni Caldwell-Pope sa koponan ng Piston.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments