Tawi-Tawi – Nailigtas ng tropa ng pamahalaan ang limang bihag ng Abu Sayyaf Group sa Tawi-Tawi noong Biyernes.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Capt Jo-ann Petinglay, ala-1:30 ng hapon ng noong Biyernes na-rescue sa karagatang sakop ng Sugbay Island Languyan Tawi-Tawi ang limang kidnap victims.
Kasunod ito ng masigasig na operasyon ng mga tauhan ng Joint Task Force Tawi-Tawi at ng Naval Task Group ng Naval Forces Western Mindanao Command.
Ang limang kidnap victims ay sina Jushua Ybanez; Emo Fausto; Junald Minalang; at Spriano Sordid, mga taga Pagadian City at Vergel Arquino ng Davao City na mga crew ng fishing boat Danvil 8.
Ang mga ito ay kinidnap noon October 14, taong kasalukuyan malapit sa coastal area ng Poblacion Simbahan, Pangutaran, Sulu.
Sinabi naman ni Rear Admiral Rene Medina, ang commander ng Naval Forces Western Mindanao nakakuha ng tamang pagkakataon ang mga sundalo dahilaan para mailigtas ang mga bihag na Pinoy.