5 Pirata arestado sa Kalamansig Sultan Kudarat, high powered firearms, granada nakumpiska!

Limang notoryus na mga pirata at mga extortionist ang naaresto matapos salakayin ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Kalamansig Sultan Kudarat kaninang madaling araw.

Kinilala ni Sultan Kudarat Provincial Director PSSupt Raul Supiter ang mga nahuli na sina Bunao, Usop at Ushik na may mga apelyidong Mangarin ,Nimong Agam at Celino Ugib.

Naaresto ang mga ito sa bahagi ng Brgy Datu Ito Andong alas 4:30 kaninang umaga.


Nakumpiska sa mga suspeks ang 4 na m16 armalite, garand rifle kalibre 45, at mga granada.

Sinasabing sangkot sa pangingikil , pagnanakaw, pagtangay ng mga bangka na naglalaman ng mga isda at pagpatay ng mga mangingisda sa mga karagatan ng Lebak, Kalamansig at Palimbang.

Nakatakda ng sampahan ng kaso ang mga naaresto.

Naging matagumpay ang operasyon bunsod na rin sa impormasyon mula sa publiko at pinagsanib na pwersa ng pnp at marines.

Patuloy naman ang pagtugis sa nakatakas na Leader na nakilalang si Tenti Taup Mangarin.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments