Mga Job Order na empleyado sa Surigao City hindi na magpapa-miyembro sa PAG IBIG

Mga Job Order na empleyado sa Surigao City hindi na magpapa-miyembro sa PAG IBIG. Ito ang ibinunyag ni OIC City Accountant Nelson Alcala, matapos ang iilang mga kawani ang hindi na gusto ipagpatuloy ang pagbabayad ng P100 bawat buwan mula sa kanilang sahod. Tinukoy nito, simula noong Hulyo 2016 nagsimula ang pagkaltas sa sahod bawat buwan ngunit hindi ito nai-remit sa PAG IBIG dahil diumano’y kulang ang mga personal information. Inihayag ni Alcala kung sinuman ang gustong ipagpatuloy ang pagbabayad, ito’y personal at direkta na ang pagbabayad sa PAG IBIG. Dagdag pa nito, ang mga naibayad na kontribusyon simula noong 2016 hanggang ngayong ang ibabalik ang pera sa pamamagitan ng payroll sa Agosto.

Facebook Comments