“5-point approach” para matugunan ang kakulangan sa suplay ng asukal, inilatag ng isang kongresista

Inilatag ni Albay Rep. Joey Salceda ang tinatawag niyang “5-point approach” para matugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa suplay ng asukal sa ating bansa.

Kasabay nito ang babala ng economist lawmaker na posibleng tumaas sa 60% ang presyo ng asukal at ang kakapusan sa suplay ng asukal sa bansa kapag hindi ito agad naaksyunan.

Agad na pinakikilos ni Salceda si Pangulong Bongbong Marcos at si Vice President Sara Duterte para sa iminumungkahing “5-point approach” sa pagtiyak ng suplay ng asukal.


Una, gawing “zero” ang sugar biofuel additives na kailangan sa mga produktong petrolyo at sa halip ay magkaroon ng ibang “sources” tulad ng jathropa, cassava at iba pa.

Pangalawa, ay hihilingin sa mga manufacturer ng rubbing alcohol at iba pang produkto na “non-food sugarcane based” na mag-shift sa iba pang source.

Pangatlo, pinaglalabas ng guidelines ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa paglilimita ng mga sugar-sweetened beverages o mga inuming may sangkap na asukal na kapag bumalik na ang face-to-face classes.

Pang-apat, maaaring atasan ni Marcos ang Sugar Regulatory Administration, Department of Agriculture at ibang lokal na pamahalaan na suriin at palakasin ang proseso ng sugar value-chain, mula sa pag-aani, paggiling at at refining.

Panghuli ay pinagkakasa ang pangulo ng imbestigasyon laban sa “hoarding” ng nasabing produkto at matutukan ang pagmo-monitor sa mga umaabuso sa presyo at sa suplay ng asukal.

Facebook Comments