PBBM, may napili ng kalihim ng DOE

105

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Raphael Perpetuo Lotilla bilang bagong kalihim ng Department of Energy (DOE).

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles.

Aniya si Lotilla ay dating kalahim na rin ng DOE sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo mula taong 2005 hanggang 2007.


Bago maitalaga sa bagong pwesto si Lotilla ay naging presidente siya ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.

Siya rin ay naging deputy director general ng National Economic Development Authority (NEDA).

Siya ay law professor ng University of the Philippines kung saan siya nagtapos ng Bachelor of Laws.



Nagtapos si Lotilla ng Masters of Laws sa University of Michigan Law School sa Ann Arbor, Michigan.

Facebook Comments