5 Police Provincial Office ng PRO2, Nabigyan ng mga Bagong Motorsiklo!

85

Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng limang (5) Police Provincial Office (PPO) ng Police Regional Office 02 ang 36 na units ng motorsiklo na mula sa Directorate of Logistics National Headquarter ng PNP sa Camp Crame bilang karagdagang behikulo sa pagpatrolya ng pulisya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Col.Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ay sampung ( 10) unit ang kanilang natanggap at naibigay na sa 10 Municipal Police Station sa Lalawigan.

Ang mga nakatanggap ay ang himpilan ng PNP Aurora, Burgos, Cordon, City of Ilagan, Mallig, Quezon, Roxas, San Manuel, San Mateo at PNP Tumauini.

Pinakamaraming nabigyan ang probinsya ng Cagayan na may 15-units habang tig-apat (4) sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino at tatlong (3) unit naman sa Batanes.

Ang mga ibinigay na motorsiklo ay magsisilbing karagdagang kagamitan ng bawat pulisya para sa kanilang pagroronda at police operations para iwas sa kriminalidad.

Facebook Comments