"Zamboanga Family’s Brand Sardines handa nang harapin ang Marikina Shoemasters" – Gino Pipino

76

Ngayon at nakuha na ang tamang timpla para tuluyang makapasok sa playoffs at maiuwi sa lungsod ng Zamboanga ang inaasam-asam na kampyonato, puspusan na ang ginagawang preparasyon at ensayo ngayon ng Zamboanga Family’s Brand Sardines sa MPBL Lakan Season. Sa latest na team standing, nasa Number 5 spot na ang Zamboanga Family’s Brand Sardines na may 11-8 win/loss record at determinado na makuha ang pang labing dalawang panalo. Samantala nasa number 16 spot ang Marikina Shoemasters na may 3-13 win/loss record.
Malaki ang pasasalamat ni coach Britt Reroma sa kanyang mga manlalaro dahil sa pinapakitang galing sa loob man o labas ng court, ang pagiging agresibo, focused at kooperasyon. Mas dodoblehin pa ng nasabing team ang dipensa at maging sa opensa na rin para makuha ang panalo.
Makakaharap ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang Marikina Shoemasters alas 8:30 mamayang gabi.

Facebook Comments

From Advertisers