Itinaas na sa full alert status ng Philippine National Police sa 5 nitong Police Regional Offices.
Sa memorandum na pirmado ni PNP Director for Operations PMGen. Emmanuel Licup, isinailalim na sa full alert status ang:
- National Capital Region Police Office
- Police Regional Office 3
- Police Regional Office 4A
- Police Regional Office 4B at
- Police Regional Office 5
Sinabi ni Licup na maari ding magtaas ng alerto ang iba pang Police Regional Offices, depende sa kung gaano kalala ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Kagabi, itinaas na sa Code Red Sub Level 2 ang alerto ng bansa dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.
Facebook Comments