₱170,000 halaga ng droga, nasamsam ng mga otoridad

Timbog ang isang lalaking umano’y tulak ng droga sa Muntinlupa City sa isinagawang buy-bust operation sa Kahabaan ng San Guillermo St., Purok 4, Brgy. Bayanan, pasado ala-1:20 kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si John Denrick Diaz Gonzales.

Nakuha ng mga otoridad mula sa kanya ang 25 grams ng shabu na may katumbas na halaga ng ₱170,000.00 at isang ₱500.00 na pera na ginamit bilang buy-bust money.


Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa Custodial Facility para sa disposition at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments