5 pulis, hinimatay sa tindi ng init kaugnay sa pagdiriwang ng Police Service Anniversary kahapon

Manila, Philippines – Umabot sa 25 pulis ang hinimatay kahapon kaugnay sa ipinagdiriwang na ika-116th Police Service Anniversary sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos ang 25 pulis na ito ay kabilang sa parading team na nag-perfom kahapon para sa selebrasyon.

Batay aniya sa ulat ng PNP health Service, dehydration at heat exhaustion ang dahilan ng pagkahimatay ng mga pulis na ito.


Ito ay dahil sa tagal ng mga ito nakabilad sa init ng araw kahapon habang ilan sa kasama sa parading team ay baguhan.

Umaga palang ayon Carlos ay nag-eensayo na ang mga pulis na ito, habang mahigit isang oras bago ang programa ay nakabilad na sila sa initan.

Hanggang kahapon ayon kay Carlos may labing limang pulis ang nanatili sa PNP General hospital at patuloy na inoobserbahan.

Punuri naman ni Carlos ang ginawang pagsasakripisyo ng lahat ng pulis na kabilang sa parading team para lamang maging matagumpay ang selebrasyon kahapon.

Hindi aniya madali ang ginagawang ito ng kanyang mga kabaro.

Facebook Comments