5 pulis na akusado sa Jemboy Baltazar case, agad na pinalaya ng BJMP

Lima sa anim na mga dating pulis na akusado sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jerhode “Jemboy” Baltazar ang pinalaya ilang oras matapos ang ruling ng korte.

Ang limang pulis ay pinalaya mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City matapos ang promulgation ng Navotas Regional Trial Court Branch 286.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, technically time served na ang mga pulis nang ibaba ng korte ang desisyon.


Aniya, bagama’t guilty sa illegal discharge of firearms, napagsilbihan na nina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Pines Esquilon, Police Corposals Edmard Jade Blanco at Patrolman Benedict Mangada ang kanilang sentensya sa pananatili ng apat na buwan sa kulungan.

Acquitted naman ang isa pang defendant na si SSgt. Antonio Bugayong.

Facebook Comments