5 pulis na nakatalaga sa COMPAC sa Rodriguez Rizal, sinibak sa pwesto matapos ang insidente nang pamamaril sa isang binatilyo

Sibak sa pwesto ang limang pulis na nakatalaga sa Community Police Assistance Center (COMPAC) sa Rodriguez, Rizal matapos mabaril ng isa nilang kabaro ang isang binatilyo noong Linggo.

Ayon kay PLtCol. Ruben Piquero, hepe ng Rodriguez Rizal police, kasalukuyang naka-hold ang mga ito sa kanilang estasyon habang gumugulong ang imbestigasyon.

Kasama si Sabillo sa COMPAC na silang nagsasagawa nuon ng checkpoint sa lugar.


Sa paunang imbestigasyon, napatay ni Sabillo ang kinse anyos na biktima na si John Francis Ompad na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib.

Hinahabol kasi ng mga pulis ang kapatid ng biktima na tumakas matapos sitahin habang nakamotorsiklo.

Depense naman ng kapatid nito, natakot siya kay Sabillo dahil hindi ito nakauniporme at tila nakainom pa ng alak.

Sa kasalukuyan, nakapiit na si Sabillo at nahaharap sa kasong homicide.

Facebook Comments