Epektibo alas-8 ng umaga kanina itinaas na ang alerto sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa isinagawang SEA Games.
Ayon kay PNP Spokesman B/Gen. Bernard Banac, isinailalim na sa full alert status ang kanilang Police Regional Offices sa Region 1, 3, 4 A at National Capital Region.
Gaganapin kasi sa mga rehiyong ito ang ilang major events para sa SEA games.
Samantala, sinabi rin ni Banac na naka-heightend alert naman na ang iba pang rehiyon.
Magtatagal ang full alert status ng PNP sa mga nabanggit rehiyon hanggang sa December 14, 2019.
Facebook Comments