*Cauayan City, Isabela- *Sumuko na ang lima sa labingpitong convicted criminals sa Lalawigan ng Isabela na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mahigit kumulang dalawang libong (2,000) heinous crime convicts na pinalaya dahil sa GCTA na muling huliin ang mga ito sa loob ng labinlimang (15) araw.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), kusang sumuko sa kanilang himpilan ng pulisya sina Santiago Mangadap, 57 anyos, residente ng Brgy. Taggappan, Echague, Isabela na may kasong Rape, Reynaldo Mateo, 32 anyos, taga Brgy. Arubub, Jones, Isabela na may kaso ring pangagahasa at Danny Bayucan, 54 anyos, residente ng Brgy. Cabannungan 1st, Ilagan City, Isabela na may kaso namang Double Murder.
Sumuko rin kahapon sa PNP Benito Soliven ang 45 anyos na may kasong panggagahasa na si Jesus Langguido na residente rin ng bayan ng Benito Soliven.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang paghahanap o tracking ng Isabela PPO sa mga natitira pang bilanggong convicted sa Lalawigan na napalaya dahil sa GCTA.