5 sa bawat 10 Pinoy, gumagamit na ng internet – SWS 

Halos kalahati ng mga Pilipino ay gumagamit na ng internet.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 47% ng Filipino adults ay internet users na.

Patuloy itong tumataas mula nang tinanong ito noong 2006 kung saan nasa 8% lang.


Pinakaraming gumagamit ng internet sa Metro Manila na nasa 59%, habang tumaas din sa balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Ibig sabihin, anim sa bawat 10 Pilipino sa urban areas ay internet users habang sa rural areas ay tatlo sa bawat 10 Pilipino.

Mas maraming gumagamit ng internet ang mga nasa “upper” at “middle” class at young Filipinos na may edad 18 hanggang 24.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19 2018 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 respondents.

Facebook Comments