Ang araw na pinakahihintay ng tao ay sasapit na, ramdam na ang simoy ng hangin na siyang hudyat na papalapit na ang kapaskuhan. Alam naman natin na ang kapaskuhan ay simbolo ng pagmamahalan bagkus ito rin ay pagbibigayan. Hindi ganoon kahilig ang tao sa materyal na bagay ngunit ang pagbibigay ng regalo ay naging kagawian ng mga taong gawin sapagkat may kaniya-kaniya silang depinisyon o pagsisimbolo sakanilang ibinibigay. Sa araw na iyon, nais kong bigyan ng munting regalo ang aking mahal sa buhay.
JACKET
Ngayong pasko ay tag lamig na naman, simpleng dyaket na alam kong magugustuhan nila na maaaring yumakap sa gabing kay lamig nang sa pamamagitan no’n ay maramdaman nila ang init ng aking pagmamahal.
LIHAM
Mula noon hanggang ngayon, wala ng hihigit pa sa pag-gawa ng liham sulat kamay sa iyong mahal sa buhay. Ang simpleng papel ay maaaring mapuno ng kabuluhan kung pupunan angbawat patlang nito ng salitang may pagmamahal patungkol sa iyong pagbibigyan.
ACCESSORIES
Simpleng porselas na kayang gawin ngunit puno ng effort. Sapagkat ang isang bagay na iyong pinagpaguran ay sumisimbolo na ang pagbibigyan mo nito ay mahalaga, gaya kung paano mo ito gawin na may pag-iingat.
BALABAL/SCARF
Balabal na ikaw mismo ang nagsulsi. Ito’y para sa ating mga malalapit sa buhay na may edad na, upang panangga sa lamig at madaling dalhin kung saan.
LARUAN
Tuwing pasko maraming nagkakalat na samut-saring laruan na itinitinda. Ito’y isang materyal na bagay na kung ibibigay mo sa mga bata ay magiging masaya na sila ng sobra bagaman ito rin ay kanilang hinihintay na matanggap.
Ilan lamang ito sa mga masasabi kong espesyal na regalo na maaari mong ibigay. Simple ngunit puno ng pagmamahal at hindi makakalimutan ng iyong pagbibigyan dahil ang bawat kabutihan na iyong ginagawa ay mabilis na tumatatak
Article written by Reinbert G. Esguerra