5 suspek sa 2 pagsabog sa Jolo, Sulu – kinasuhan na

Kinasuhan na ng Sulu Provincial Prosecutor ang mga suspek sa kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral noong January 27.

Kasong complex crime of multiple murder with multiple frustrated murder ang inihain ni OIC-provincial prosecutor Rommel Cancio laban kina Mukammar Pae alias Kamah, Albadji Gadjali alias Awag, Radjan Gadjali alias Radjan, Kaisar B. Gadjai alias Issal at Said Alih alias Papong.

Ayon kay Justice Undersecretary at Department of Justice (DOJ) Spokesman Mark Perete, ang mga ebidensya at testigo para sa pag-usig sa kaso ay nasa Jolo, kaya mas magandang doon gawin ang pagdinig.


Maliban na lang aniya kung mayroong mga compelling reasons para ilipat ito sa Manila.

Mababatid na una nang sumuko sa pusliya ang limang akusado.

Nanatili namang at large ang iba pang suspek sa naturang pagsabog na sina Hatib Hajan Sawadjaan alias Imam, Usman Absara alias Usman, Barak Ingog alias Bars/Barak at Makrim Habisi alias Makrim.

Facebook Comments