5 taong gulang na Bata, Positibo sa COVID-19

564

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ni Governor Carlos Padilla ang ikatlong kaso ng COVID-19 sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.

Ayon sa Gobernador, isang limang (5) taong gulang na batang babae mula sa Bayan ng Alfonso Castañeda ang naka-confine ngayon sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.


Palaisipan din sa Gobernador kung saan nakuha ng bata ang nasabing sakit gayong liblib na lugar ang nasabing bayan at may kalayuan sa mataong lugar.

Giit pa ni Gov. Padilla na posibleng nakuha ng bata ang nasabing sakit sa Nueva Ecija subalit mahigpit pa rin ang pagbabantay ng taskforce on covid-19 sa Bayan ng Alfonso Castañeda para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Sa kabuuan, 15 na ang kaso ng COVID-19 sa buong Cagayan Valley.

Facebook Comments