Pulis sugatan matapos barilin ng Curfew Violator sa Datu Paglas

4514

Sugatan ang isang Police Corporal matapos mabaril ng mga Curfew Violators sa Datu Paglas Maguindanao.
Sa report mula PNP BARMM, Pasado alas 9 kagabi ng makatanggap ng tawag ang Datu Paglas MPS na may mga namataang mga curfew violators sa Brgy. Damawato.
Ngunit bago paman masita ng mga pulis ang mga Curfew Violators na kinilalang sina Ting, Gusa at Henry Gumama agad silang pinagbabaril. Sugatan sa insidente si PCPL Yhamier Sablana na tinamaan sa kanang balikat nito.
Bukod sa pulis, tinamaan rin ng di pa natukoy na bala ng baril ang Police Car.
Agad na naisugod sa ospital ang sugatang pulis ngunit nakatakas naman ang mga responsable.
Ang pagpapatupad na curfew ay hindi lamang sa Datu Paglas kundi sa buong Maguindanao kasabay pa rin ng iniimplementang Enhance Community Quarantine
PIC: Datu Paglas FB

Facebook Comments