Nalalapit na naman ang Holiday seasons kung kaya’t hindi natin maiiiwasan na makipagkwentuhan sa ating mga kaibigan kasabay ng pagkain ng mga masasarap na pagkain at inumin. Pero ang nangyayari sa karamihan sa atin ay hindi na makontrol ng maayos ang pagkain, Kung kaya’t minsan tayo ay nagkakasakit na o kaya naman pakiramdam natin ay bumibigat.
Ito ang mga paraan upang maiwasan natin itoat magkaroon ng healty Holiday season
- Kumain ng mga pagkaing magulay
Ugaliing kumain ng gulay ngayong holiday season. Hindi ito nangangahulugan na kumain ka ng mga kinagisnang mga salad at ng pinggan na punong puno ng litsugas at kamatis. Syempre hindi nito mapapawi ang iyong gutom
Kung kakain ka ng kombinasyon ng sariwa at ng nilutong mga gulay ay mas kakaunti ang makakain mong pagkain maliban sa mga gulay lalo na ang mga saring mga salad na makakatulong sayo na mapabilis ang pagtunaw ng iyong mga kinain
2. Huwag masyadong kumain ng Fruit Salad
Mabuti sa kalusugan ang pagkain ng Fruit sald ngunit pag ginawa itong panghimagas pagkatapos kumain ng mga mabibigat na pagkain katulad ng lutong gulay, tinapay, kainin o kaya patatas.
Mabilis dumadaloy ang prutas sa loob ng ating katawan. Kung kaya’t pag kinain ito kasabay ng mga mabibigat na pagkain ay magkakaroon ng pagbara sa ating mga bituka. Gumagawa ito ng maraming gas, pamamaga at hindi kaginhawaan, Nangagahulugan na dahil dito ay hindi mo masisipsip ang mga bitamina na galing sa mga pagkain.
3. Ipares ang mga pagkain para madali itong matunaw
May mga iba’t ibang uri ng pagkain kung kaya’t iba’t iba rin ang tagal ng mga ito bago matunaw. Ang kahulugan nito ay ang pagtanggap natin ng mga bitamina sa mga kinakain natin ay maaaring makaapekto sa pagtunaw ng mga ito na magreresulta sa pamamaga, gas at pagkadumi.
Kung kakainin mo ang mga kombinasyon ng mga pagkain na ito ng sabay ( isda at patatas, manok at kanin) ang oras na ng mga ito bago matunaw ay madadagdagan halimbawa na ang pagkain na dapat na matutunaw sa loob ng pitong oras ay magiging siyam na oras. Kung kaya’t wag ugaliin kumain ng ganitong mga klaseng pagkain lagi upang maging mas maganda ang ating kalusugan.
4. Iwasan o limitahan ang mga sobrang mabigat na pagkain
Kung nagtataka kang kumain ng mga mabibigat na pagkain katulad ng mga maraming karne, refined na asukal, cakes o cookies. Sa pagkain ng mga ito ay magreresulta ng pamamaga.
Kapalit ng mga ito ay pumili ng mga mas masusustansiyang pagkain at ito ang ihain sa mga handaan, Syempre kasabay ng mga sariwa at lutong gulay, Piliin ang mga isda, organic na itlog at organic na mga gatas. Gawin ang mga ito at magiging maganda ang kalalabasan ng inyong mga katawan na magiging mas malakas, mas malusog at mas mapayat.
5. Ugaliing uminom ng tubig at umihi
Kinakailangan na laging uminom ng malinis na tubig, at kumain ng mga katas ng mga prutas at gulay upang matanggal ang mga toxins na dumadaloy sa ating mga katawan. Napakahalaga ang tubig sa ating buhay at importante rin ito dahil mas maiiwasan o mababawasan ang pamamaga.
Article written by Odlanyer Magno