5 Tips Para Sa Mga Nais Magdagdag ng Timbang

IMAGE: HELLOSEHAT.COM

Hirap ka bang tumaba kahit panay ang kain mo? Kung gayon, baka kinaiinggitan ka ng iyong mga kapamilya at kapitbahay. Yun bang kahit gaano karami ang kainin mong kanin at karne, hindi ito nakaapekto sa timbang mo.

 

Ito ang ilan sa mga mabisang paraan para sa mga nais tumaba o magpadagdag ng timbang:

  • Kumain ng mga pagkaing mataas sa calories.

Ang normal na calorie intake ng isang tao sa isang araw ay 1,800 calories. Maaari itong dagdagan ng 250-500 calories araw-araw.

  • Kumain ng mga pagkaing mataas sa protina.

Kung sasabayan ng protina ang kaloriya, ito ay makakatulong para bumuo ng muscle.

  • Kumain ng mga pagkaing mataas sa carbohydrates at fats.

Para sa nais magdagdag ng timbang, importante na tatlong beses sa isang araw kumain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates at fats.

  • Kumain ng mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya

Ilan sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya ay ang nuts, dried fruits, karne, kamote, patatas, chocolate at iba pa.

  • Mag-eherisyo

Nakakatulong ang pageehersisyo para ganahan kumain.

 

Facebook Comments