5 tricycle drivers, inararo ng isang bus sa Bataan

164

Lima ang kumpirmadong sugatan matapos araruhin ng isang passenger bus ang paradahan ng tricycle sa Barangay Maligaya sa Mariveles, Bataan, ganap na 5:42 ng madaling araw nitong Linggo.

Ayon kay Police Lt. Col. Nestor Chavez, hepe ng Mariveles Phillipine National Police (PNP), nawalan umano ng preno ang mini bus na minamaneho ni Manuel de Guzman at bumangga sa mga nakaparadang tricycles sa nasabing lugar bago ito bumangga sa isang electric post.


Kaagad na isinugod ang mga hindi pa pinangalanang mga biktima sa pinakamalapit na ospital sa lugar habang sumuko naman sa mga otoridad ang driver na si De Guzman.

Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to damage to properties and serious physical injuries.

Facebook Comments