Hindi mo na kailangan mahirapan pa. Narito ang ilang food hacks na babago sa ilang pamamaraan mo.
- Matigas na cookies sa cookie jar
Kumuha ng isang sliced bread at ilagay sa cookie jar overnight. Kinabukasan, panigurado ay malambot na ulit ang cookies mo.
- Matigas na tinapay na lalong tumigas sa microwave
Bago mo initin ang pandesal na napakatigas ay buhusan mo ng kaunting tubig na sakto lang na malagyan lahat ng parte ng tinapay. Pagkatapos ay i- microwave ng dalawang minuto at mae-enjoy mo na ang mukhang bagong bake mong tinapay!
- Hirap sa pagbabalat ng luya
Ang balat ng luya ay manipis lang kaya naman gumamit ka nalang ng kutsara para mabalatan ito ng maayos at hindi maubos ang laman nito.
- Hirap sa pagbabalat ng bawang
Paghiwa-hiwalayin ang piraso ng bawang at ilagay sa isang container na may takip. Alugin sa loob ng dalawang minuto at pagbukas mo ay nabalatan na lahat ng bawang mo.
- Pagtatanggal ng shell ng nilagang itlog
Ilagay sa container ang hard boiled egg at lagyan ito ng kaunting tubig. Alugin sa loob ng dalawang minuto at pagbukas mo nabalatan na nang maayos ang itlog.