Aabot sa P800 milyong 5-year program ang itinatag ng US government sa Pilipinas.
Layon nitong magbigay pondo sa iba’t ibang society groups na gumagawa ng environmental program sa bansa kabilang ang; pangangalaga sa biodiversity, mga hayop, klima ng bansa at ang natural resource management.
Katuwang ng programa ang US Agency for International Development (USAID) sa pamamagitan ng Investing in Sustainability and Partnerships for Inclusive Growth and Regenerative Ecosystems (INSPIRE) project.
Magmula 2008, umabot na $157 million o katumbas ng halos P8 billion ang ibinigay ng USAID na susuporta sa mga programa ng gobyerno para mapangalagaan ang kalikasan.
Facebook Comments