Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, inaalok ng maraming “multiple passports”

52

Inamin ng mentor ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena na maraming bansa ang nag-aalok ng “multiple passports” sa manlalaro.

Ayon kay Jim Lafferty, nangyari na ito bago pa ang alegasyon ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pamemeke umano ng mga liquidation documents at ang hindi pagbabayad nito sa kaniyang coach.

Si Obiena ay tanyag sa larangan ng track and field mula sa world ranking nito na number 30 at naging pangsampu hanggang sa lumapag na sa ika-limang numero.


Hawak din nito ang Asian record sa men’s pole vault na 5.93 meters.

Sa ngayon, paglilinaw ni Lafferty na kahit na maraming alok sa ibang bansa ay mas pipiliin ni Obiena na maglaro para sa Pilipinas.

Facebook Comments