50 AMBULANT VENDORS, NAKATANGGAP NG NEGO-KART MULA SA DOLE-2

Cauayan City, Isabela- Kabuuang Limampu’t-lima (50) na ambulant vendors ang mula sa mga bayan ng Cordon, San Agustin, Jones at Santiago City ang nakatanggap ng Nego-Kart (Negosyo sa Kariton) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)Region 2.

Nagkakahalaga ito ng hindi lalagpas sa P30,000, kasama na ang kumpletong vending cart at livelihood tools upang matulungan ang mga benepisyaryo.

Dumalo sa naturang programa sina Regional Director Joel M. Gonzales, DOLE-Isabela Field Office (IFO) Chief Evelyn Yango, at Executive Assistant V, Ma. Annie Lynne Mondoñedo, maging sina Isabela 4th District Representative, Atty. Alyssa Sheena Tan at Santiago City Mayor, Engr. Joseph S. Tan.

,

Facebook Comments