50-anyos na Ginang, Huli sa Pakikiapid

34

Cauayan City,Isabela- Arestado ang isang babae sa Brgy. Davil-davilan, Dingalan, Aurora.

Sa ulat ng Aurora Police Provincial Office, isang 50-anyos na residente ng nabanggit na lugar ang tuluyang naaresto ng mga alagad ng batas.


Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Julieta Isidro M. Reyes, Presiding Judge dahil sa kasong Adultery o Pakikiapid.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang P36,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ang Ginang para sa kaukulan disposisyon.

Facebook Comments