50 asylum seekers, natulungan ni Pope Francis na makalipat ng tirahan sa Italy

40

Aabot sa 50 asylum seekers ang natulungan ni Pope Francis para makalipat sa Italy.

Kabilang dito ang dalawang Cameroonian asylum seekers na ilang buwang natigil sa divided Cyprus’s buffer zone.

Ayon kina Daniel Ejube at Grace Enjei, malaki ang pasasalamat nila sa Pope dahil sa tulong nito na makahanap sila ng bansang matitirhan.


Matatandaang una nang inihayag ni Pope Francis ang pagnanais na makatulong sa mga migrants dahil sa kaguluhan sa ilang bansa sa mundo.

Facebook Comments