Vice Ganda, itinanghal na Best Entertainment Presenter ng Asian Academy Creative Awards 2021

75

Itinanghal na Grand Winner para sa Best Entertainment Presenter para sa Host category ng Asian Academy Creative Awards 2021 ang Filipino Comedian na si Vice Ganda.

Para ito sa isang programang Everybody, Sing! na inilabas mula Hunyo hanggang Oktubre 2021.

Sa Twitter account ng comedian, sinabi nito na hindi siya makapaniwala sa nangyari at naghalo-halo na rin ang nararamdaman dahil sa saya.


Pinasalamatan din nito ang lahat ng taong tumulong sa kaniya para makuha ang award.

Naungusan ni Vice ang iba pang national winners mula sa 16 participating countries gaya ng; Australia, New Zealand, Cambodia, China, Hong Kong, India, Indonesia, Japan at iba pa.

Facebook Comments