50 BENEFICIARIES NG PHYSICAL RESTORATION PROGRAM, TUMANGGAP NG LIBRENG PROSTHESIS

CAUAYAN CITY – Nagbahagi ng mga libreng prosthesis ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Cagayan sa 50 katao na benepisyaryo ng Physical Restoration Program na ginanap sa LAV Center, Tuguegarao City.

Maliban dito ay nagkaroon din ng pamamahagi ng hearing aid para sa mga taong may hearing impairment.

Ang nasabing aktibidad ay bilang suporta at pagbibigay lakas at inspirasyon sa mga benepisyaryo na harapin ang anumang hamon ng buhay.


Katuwang naman ng PSWDO ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paglulunsad ng naturang aktibidad tulad Department of Social Welfare and Development(DSWD), Local Government Units (LGUs), at Office of the President.

Samantala, ang Prosthesis and Brace Center (PBC) naman ang gumawa ng mga prosthesis na ibinahagi sa mga benepisyaryo.

Facebook Comments