50 Chinese, arestado sa iligal na pagtatrabaho sa Saranggani Province

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 50 Chinese na nagtatrabaho nang walang kaukulang work permit sa Saranggani Province.

Ayon sa BI, ang 50 Chinese ay nagtatrabaho sa isang steel company sa Kamanga, Maasim, Saranggani at naging subject ang mga ito ng kanilang case build up.

Isinagawa ang pag-aresto sa dalawang work sites ng mga ito sa Kamangga, Maasim.


Nabatid na noong Marso pa nakakuha ng work permits ang mga ito sa Immigration subalit nagkaroon ng “misrepresentation” ang mga ito sa kanilang application para sa permit.

Dahil dito, pansamantalang dinala ang mga dayuhan sa holding facility ng Immigration sa Saranggani at nakatakdang ilipat sa warden facility sa Davao kapag lumabas na ang negatibong resulta ng kanilang RT-PCR test.

Facebook Comments