Kamara, aapela sa DOH at sa PRC na i-tap muna ang mga unregistered nurses na hindi pa nakapag-board exam ngayong taon

88

Aapela si Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at sa Professional Regulation Commission (PRC) na i-tap ang mga unregistered nurses para mapunan ang kakulangan ng health workers sa bansa.

Aniya, ang mga nagtapos ng Nursing na hindi pa sumailalim sa board exam bunsod ng COVID-19 pandemic ay maaari munang gamitin bilang complementary manpower para makatulong sa kakulangan ng mga medical frontliners.

Sinabi pa ni Velasco na dahil aral na rin ang mga ito sa kanilang propesyon, maaaring magtrabaho ang mga unregistered nurses sa ilalim ng pangangasiwa ng isang registered nurse o doctor at sa pamamagitan ng isang special arrangement sa pagitan ng PRC.


Giit ng Speaker, maituturing na sources ang mga ito na maaaring gamitin ngayong may pandemya.

Mababatid na ipinagpaliban ng PRC ang nursing board exam ngayong taon na nakatakda sana sa May 30 at 31 alinsunod na rin sa hiling ng Philippine Nurses Association dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Inilipat naman ang araw ng exam ngayong taon sa November 21 at 22.



Facebook Comments