50 dating former violent extremists, nagbalik-loob sa gobyerno ayon sa DILG

Nasa 50 former violent extremists (FVEs) members ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Kudarat ang nakapagbalik-loob sa pamahalaan.

Ito ay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., ang mga naturang FVE ay patuloy na tinutulungan ng pamahalaan para sa kanilang integration process.


Aniya, ang lahat ng naturang 50 FVE surrenderers, matapos ang proper documentation ay maaari nang tumanggap ng suporta mula sa pamahalaan sa ilalim ng E-CLIP initiative.

Ang DILG field office aniya sa Sultan Kudarat ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Local Government Unit (LGU) upang matiyak na ang mga suporta sa FVEs.

Facebook Comments