COVID cases sa bansa, mas bumaba ng 12%

79

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,004 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Ito ay may average na kaso kada araw na 1,143 kung saan mas mababa ng 12% kumpara sa mga kaso noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 13.

Sa mga bagong kaso, dalawa sa mga ito ang may malubha at kritikal na kondisyon.


93 namang COVID patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Sa ngayon ang intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa bansa ay nasa 20.9% habang ang non-ICU bed utilization rate ay nasa 23.1%.

Facebook Comments