50% discount para sa pamasahe ng mga OFW, inilunsad ng OWWA at UBE Express

PHOTO: Chill Emprido/DZXLNews

Aabot sa 50% ang matitipid sa kanilang pamasahe ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito’y kasunod ng inilunsad para sa mga OFW na dumarating galing sa ibang bansa sa kanilang UBE Express sa terminal sa harap mismo ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kung maaalala, sunud-sunod na pananamantala sa ilan nating OFWs na umuuwi ng bansa sa kanilang mga nasasakyang pampasaherong sasakyan na sobra-sobrang maningil na nagiging viral pa sa social media.


Sa pangunguna ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio at UBE Express Inc., na pinamumunuan ni Alberto Lina sisimulan na ang naturang diskwento.

Ayon kay OWWA Administrator Ignacio, ang mga OFWs na mga miyembro ng OWWA ay makakatipid ng pamasahe ng mula P25 hanggang P150.

Maaring maka-avail ang mga OFW sa pamamagitan ng tatlong paraan gaya ng pagbabayad ng cash basis, beep card at online payment.

Sa ngayon, magde-deploy na ang UBE Express Inc., ng passenger services agents sa mga point-to-point at terminals na mag-assist sa OFWs upang ma-avail ang nasabing discount.

Facebook Comments