2 Japanese nationals na kasapi ng ‘Luffy’ gang, naipa-deport na

Tuluyan nang naipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) kanina ang dalawang Japanese nationals na kasapi ng notorious na ‘Luffy’ gang.

Sina Sugano Kazushi at Shimoeda Saito ay sakay ng Japan Airlines flight pabalik ng Tokyo, Japan.

Ayon sa BI, ang dalawang Hapones ay may kinakaharap na arrest warrant sa Tokyo Summary Court dahil sa pagiging miyembro ng large-scale telecomm fraud group.


Nabatid na ang ‘Luffy’ group ay sangkot din sa mga karahasan sa Japan.

Sina Sugano at Saito ay matagal nang nagtatago sa Pilipinas mula pa noong 2019.

Facebook Comments