50 dumpsite, nakatakdang ipasara ng Dept. of Environment and Natural Resources

Manila, Philippines – Plano ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na ipasara ang nasa 50 illegal dumpsites sa bansa.

Ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu – target nilang ipasara ang mga ito hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Aniya, bahagi ito ng mahigpit na pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000.


Ginawa ni Cimatu ang pahayag matapos hindi pagbigyan ang hiling ng Quezon City Government na pansamantalang buksan ang payatas dumsite hanggang disyembre.

Nabatid na sinuspinde ng DENR ang operasyon ng Payatas landfill dahil sa banta ng pagguho ng basura sa panahon ng tag-ulan.

Bukod sa pagpapasara sa mga dumpsites, kakasuhan ng DENR ang mga lokal na pamahalaan na pinapayagan ang mga open dumpsites sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments