Nagpakilalang miyembro ng PNP na nangikil, naaresto ng kapulisan sa Gingoog City ayon kay Gonda

Isang lalaking nagpakilalang miyembro ng PNP ang naaresto ng kapulisan sa Misamis Oriental nang ireklamong nangikil.
Ito ang inihayag ni Police Regional Office 10 Spokesperson Police Supt. Lemuel Gonda.
Ayon kay Gonda na ang suspek na si Glenn Villareal Calang ang naaresto sa loob ng RTMI bus sa Gingoog Bus Terminal sa Gingoog City, Misamis Oriental kahapon ng hapon.
Nahuli ng mga operatiba ng Gingoog City Police Station ang suspek na nakasuot ng PNP Field Service Uniform.
Nakuha rin mula kay Calang ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang set ng PNP Field Service Uniform at isang Philhealth card.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
PC: Police Supt. Lemuel Gonda

Facebook Comments