50 Ektaryang Lupain na Pagtatayuan ng bagong Cauayan City Hall, Pirmado na ng San Miguel Corp.

Cauayan City, Isabela- Pormal nang nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng Cauayan City Local Government at San Miguel Corporation para sa 50-ektaryang lupain na donasyon ng Filipino Businessman na si Ramon Ang.

Ang donasyong lupain na pagmamay-ari ni Ang ay matatagpuan sa Barangay San Luis na siyang nakatakdang pagtatayuan ng bagong Cauayan City Hall.

Bukod dito, itatayo rin ditto ang Legislative Office maging ang iba pang regional offices alinsunod sa Urban Development Program ng LGU sa East Tabacal region.


Sa pamamagitan nito ay unti-unting mabibigyan ng solusyon ang matinding problema sa daloy ng trapiko sa poblacion area.

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Bernard Dy sa suporta ng San Miguel Corporation (SMC) sa pangunguna ni Ang.

Samantala, magtatatag umano ng isang economic zone ang SMC na inaasahang magbibigay ng libu-libong trabaho para sa mga Cauayeños.

Facebook Comments