50 estudyante, nagwala at hinimatay sa isang paaralan sa Quezon City

Quezon City – Nabulabog ang isang paaralan nang magwala at himatayin ang nasa 50 high school students sa Quezon City.

Sa cellphone video, makikitang pinapalibutan ng ilang guro at estudyante ang tatlong mag-aaral na kasama sa mga nagwala at hinimatay.

Unang pangamba ng ilan, baka sinapian ang mga mag-aaral pero bago ito nangyari, nakaramdam ang mga ito pananakit ng tiyan.


Pero ayon sa isang guro, pumapasok daw kasi ang mga bata na walang laman ang sikmura at biglang iinom ng palamig sa kantina.

Wala namang opisyal ng paaralan na nagbigay ng pahayag tungkol sa nangyari.

Gayunman, hindi niya maipaliwanag kung bakit nagkasabay-sabay ang insidente.

Facebook Comments