Engkwentrong nangyari sa Southwoods Exit, Biñan, Laguna – lehitimong operasyon ayon sa PNP AKG

193

Laguna – Iginiit ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na lehitimo ang engkwentrong nangyari sa Southwoods Exit, Biñan, Laguna.

Nabatid na tatlong hinihinalang kidnapper ang napatay sa nasabing engkwentro.

Ayon kay PNP-AKG Director, Sr/Supt. Glenn Dumlao – malabong binaril sila sa kalsada matapos pababain sa kalsada.


Sinabi naman ni Anial Komar Suhal, kidnap victim – halos tatlong araw sila sa kamay ng mga kidnapper na pinangungunahan ni Injirit Singh, alyas ‘Goldy’ na napatay sa engkwentro.

Aniya, nauugnay si Singh sa pitong kidnap for ransom case mula pa noong 2008.

Maliban sa tatlong napatay na suspek, dalawa pang miyembro ng grupo na pumupuntirya sa mga Indian nationals ang tinutugis.



Facebook Comments