50 Gramo ng Shabu, Nahuli sa Advertising Artist sa Cagayan

170

*Cauayan City, Isabela-* Huli ang isang Advertising Artist na itinuturing na High Value Target matapos muling mahuli sa pagbebenta ng iligal na droga sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Carlo Jose Santos, 53 anyos at residente ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.


Ayon kay P/Lt. Isabelita Gano, tagapagsalita ng PNP_Tuguegarao, nahuli ang suspek matapos magpositibo sa iligal nitong aktibidad at nakumpiskahan shabu sa isang drive-inn hotel kung saan nanatili ito.

Agad namang nagsagawa ng drug buy bust operation ang kapulisan na nagresulta ng pagkahuli ng suspek.

Nakumpiska sa pag iingat nito ang 50 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P300,000 at ilang drug paraphernalia.

Nabatid na una nang nakulong ang suspek sa Nueva ecija noong 2017 dahil din sa pagbebenta at paggamit ng illegal na droga ngunit nakalaya ito noong 2018.




Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

 

Facebook Comments