50 indibdwal, dinampot matapos matiyempuhan ng mga pulis sa isang bar sa Maynila

Umaabot sa halos 50 indibdwal na kinabibilangan ng mga customers at tauhan ng isang bar ang dinampot ng mga pulis sa Lungsod ng Maynila.

Ito’y matapos silang lumabag sa curfew na ipinapatupad sa lungsod bilang bahagi ng guidelines ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Ermita Police Commander Lt. Col. Evangeline Cayaban, ipinatutupad lamang nila ang quarantine rules nang abutan na nakabukas ang Dusk Till Dawn Bar.


Agad na pinasok ng mga otoridad ang bar kung saan binigyan muna nila ng face mask ang ilan sa mga tao sa loob na walang mga suot nito.

Dahil dito, ang ilan sa mga lumabag ay dinala muna sa isang covered court para sa profiling upang malaman kung ito ba ay una, pangalawa o pangatlong beses na nilang nagawa.

Ang may-ari naman ng bar ay ipapatawag rin ng pulisya para pagpaliwanagin o kaya ay panagutin sa ginawa nilang pagbubukas kahit pa umiiral ang ordinasa dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments