50 INDIBIDWAL SA BURGOS, BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD KITS NG DTI

Umabot sa 50 indibidwal ang naging benepisyaryo ng livelihood kits mula sa programa ng Department of Trade and Industry na DTI Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa sa bayan ng Burgos.
Ibat-ibang klaseng produkto na pang sari-sari store ang ipinamahagi ng DTI sa mga napiling benepisyaryo.
Layunin nitong matulungan ang mga residente na magkaroon ng hanapbuhay sa kabila ng nararanasang pandemya.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay mga residenteng naapektuhan ng SUNOG, KALAMIDAD at iba pa.
Bago ang pamamahagi isinagawa ng DTI ang isang seminar kung papaano mapapalago ang kanilang hanapbuhay. | ifmnews
Facebook Comments