DISASTER PREPAREDNESS AT BASIC LIFE SUPPORT LECTURE, ISINAGAWA NG MDRRMO SAN FABIAN

20
Sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month isinagawa ng Municipal Disaster Risk reduction Management Office ng Bayambang ang Disaster Preparedness at Basic Life Support Lecture sa ilang grupo ng mga residente dito.
Isinagawa ang naturang programa sa Mabilao Beach kung saan nasa 20 indibidwal ang dumaan sa training.
Layunin nitong maihanda ang mga residente sakaling magkaroon ng kalamidad.
Bukas naman ang tanggapan sa iba pang mga grupo na nagnanais magkaroon ng kaalaman sa disaster preparedness at basic life support at inabisuhang makipag ugnayan sa kanilang tangapan. | ifmnews

Facebook Comments