50 katao, patay sa suicide bombing sa Afghanistan

50 ang patay sa naganap na suicide bombing sa isang mosque sa Kunduz City, Afghanistan.

Bukod sa mga nasawi, aabot din sa 100 indibidwal ang sugatan sa mosque na ginagamit ng mga Shia Muslim community.

Sa ngayon ay wala pang grupong umaako sa pagsabog pero malaki ang hinala ng mga otoridad na Islamic State-Khorasan Province (IS-K) ang nasa likod nito.


Nabatid na sila rin ang mga nasa likod ng pagsabog noong nakaraang mga linggo sa Afghanistan.

Facebook Comments