Meralco Bolts, nakabawi laban sa Magnolia Hotshots sa PBA semis

Nananatiling buhay ang tsansa ng Meralco Bolts sa 2021 PBP Philippine Cup semifinals.

Ito ay matapos na manalo laban sa Magnolia Hotshots sa score na 91-86 at naiwasan na makuha ng Hotshots ang 3-0 na kalamangan sa kanilang best of seven series.

Sinubukan pang humabol ng Hotshots sa kalahating minuto ng last quarter, pero hindi pa rin nila kinaya.


Bumida sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na mayroong 17 points, anim na rebounds at apat na assists habang si John Pinto ay mayroong 16 points at limang rebounds.

Facebook Comments